Looking for another adventure?
Here's another exploration courtesy of Nueva Ecija Backpackers & Mountaineers Community Inc.:
Name of mountain: Mt. Sawi
Location: Gabaldon, Nueva Ecija
Elevation: 594 MASL
Hours to summit: 1 1/2
Specs: Minor climb, Difficulty 2/9, Trail Class 1-4
Phone signal: ++++
Limatik: None
Rattan: None
Lipa (Poison Ivy): None
The Story of Mt. Sawi
(also known as Mt. Bigti)
From Jon-jon Bacquel Garcia
From Jon-jon Bacquel Garcia
Noong araw daw may isang magandang dalagang dumagat ang minsang nanirahan sa paanan ng bundok sa tabi ng ilog na ngayon ay kilala sa tawag na Dupinga. Mahilig maglaro ang dalaga at madalas syang nakikita sa tuktok ng bundok sa di kalayuan. Sa itaas nito may matatagpuang nag-iisang malaking puno ng Baliti. Isang araw may isang binatang mangangaso ang naligaw at napadpad sa malaking baliti. Mahina at mukhang matagal ng di kumakain.
Nakita sya ng dalagang Dumagat sa ganung katayuan at dali dali sya nitong tinulungan, binigyan ng makakain at isinama nya ito sa kanilang tahanan. Nabighani ang binata sa kagandahan ng dalaga at nahulog naman agad ang loob ng dilag. Isang araw nagpaalam ang binatang mangangaso upang bumalik sa kanilang bayan upang ibalita sa kanyang mga magulang na sya ay buhay at ligtas. Nangako itong magbabalik.
Naiwan at Naghintay ang dalaga, Umasang darating muli ang binata at sila ay tuluyan ng magsasama. Subalit, tumagal ang panahon ng kanyan paghihintay, wala pa rin ang kanyang mahal. Isang araw may isang balita ang kumakalat. May isang malaking piging ang magaganap sa kabilang bayan, sa kaniyang pag-uusisa napag-alaman nyang ito pala ay kasal ng kanyang minamahal. Matagal na pala itong nakasadyang ipagkaisang dibdib sa isang dalagang mula sa isang kilalang pamilya. Nalungkot ang dalaga, Nasaktan, ang lahat ng kanyang pag-asa ay nawala.
Isang araw maagang umalis ang dalaga, hanggang sa sumapit na ang dapit hapon ngunit di pa rin ito bumabalik. Sa labis na pag-aalala napagpasyahan na ng kanyang mga magulang na hanapin ito. At sa kanilang paghahanap narating nila ang tuktok ng bundok.
Sa di kalayuan natanaw nila ang dalaga subalit wala na itong buhay, nakasabit at nakabigti sa itaas ng puno ng Baliti. and the rest is history...
Photos courtesy of Jon-jon Bacquel Garcia & Marty Cellona of Nueva Ecija Backpackers & Mountaineers Community Inc.
Visit www.facebook.com/teamNEBMC for more updates! :)