Nakalipas ang ilang taon, ngayon lang nakaranas ng matinding pagbaha ang lalawigan ng Nueva Ecija. Iba't-ibang bagyo na ang nagdaan subalit nito lamang December 15, 2015, hindi man direktang tinamaan ang lalawigan, ay nakaranas ito ng matinding pagbugso ng tubig ulan.
Maraming nagsasabi na sanhi ito ng pabago-bagong panahon at pagkasira ng kalikasan. Sa ilang report ay sinasabing unti-unti na ngang nasisira ang Sierra Madre na inaasahang tutulong sa paghupa ng tubig ulan.
Dahil sa iba't-ibang developments, ay unti-unti na ring nasisira ang ating kalikasan. Mula sa ulat sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines news site, hinihikayat ng Save Sierra Madre Network Alliance ang gobyerno na protektahan ang Sierra Madre laban sa mga "developmental projects".
"We call on the government to stand up against those who are blinded by
greed and do not see the Sierra Madre Mountain as a mother who also
needs to be nourished” wika ni Fr. Pete Montallana, Director ng Save Sierra Madre Network Alliance.
Sierra Madre | Photo from skyscrapercity.com |
Ang Sierra Madre ay binabaybay ang mga probinsya ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Quirino, Aurora, Quezon, Rizal, Laguna, at Bulacan. Ito ang longest mountain range sa Pilipinas.
Ikaw, ano ang masasabi mo sa isyung ito?