Makalipas ang paghagupit ng bagyong #NonaPH, kasalukuyang nakakaranas ng brownout ang ilang lugar sa Nueva Ecija.
Ang Nueva Ecija I Electric Cooperative, Inc. o NEECO I ay nagkumpirma na hindi totoo ang kumakalat na balita na isang buwan makakaranas ng brownout ang lalawigan.
Sa kanilang official Facebook Page, sinabing kasalukuyang nagtutulong ang NEECO 1 at National Grid Corporation of the Philippines o NGCP upang matapos agad ang pagsasaayos ng mga nasirang linya.
Ipinapaalam po ng NEECO1 na hindi po totoo na 1 buwan bago magkailaw. Sa kasalukuyan po ay nagtutulong ang NEECO 1 at...
Posted by NEECO 1 on Thursday, December 17, 2015
Sakop ng NEECO I ang apat (4) na munisipalidad at isang (1) bayan ng Nueva Ecija. Ito ay ang mga sumunusunod:
- Jaen
- San Antonio
- Cabiao
- San Isidro
- Gapan City