ISANG BUKAS NA LIHAM PARA KAY LANDO MULA SA MGA NOVO ECIJANO:
Nang maglabas ng litrato mula sa kalawakan ang isang Japanese Astronaut bago ka tumama sa Luzon, marami na ang nag-aabang sa iyo. At hindi sila nagkamali, sadyang malakas ka, nakakapangilabot ang hangin na iyong dala, at ang sangkatutak na ulan na baon mo. Nagpakitang gilas ka, kagaya ng naitala, kagaya ng inaasahan.
Mula sa kalawakan hanggang sa pagtapak mo sa Nueva Ecija, ipinakita mo kung gaano ka dapat katakutan at kung gaano ka kalakas. Pero hindi mo yata naisip na ang mga Pilipino ay ipinanganak na matapang, na walang inuurungan—tagtuyot, baha, bagyo, kahit anong klaseng unos, kahit ikaw pa mismo, sisiw!
Pinadapa mo ang mga palay na dapat sana ay aanihin na lang namin. Pinuno mo ang Pantabangan Dam at mga karatig dam kaya mas lalong tumaas ang tubig na dala mo. Binaha mo ang Cabanatuan, kahit ang bagong tayong SM Cabanatuan, hindi mo pinalagpas. Itinumba mo ang mga puno sa daan na halos kasing tanda na ng mga lolo at lola namin. Kahit ang mga pangunahing ospital ng lalawigan, hindi mo pinatawad.
Pero sasabihin ko sa iyo, Lando, hindi ka nagwagi. Bagama’t maraming ari-arian ang iyong nasira, bagama’t halos lahat ng pananim namin na nagpapakain sa buong Pilipinas ay iyong pinerwisyo, hindi ka pa rin nagwagi. Ang mga taga-kapatagan ng Nueva Ecija ay handang bumangon muli. Kagaya ng pagsibol ng mga butil ng palay sa aming mga bukirin, muli kaming mamamayagpag at kikislap—matingkad, matikas, puno at nag-uumapaw ang butil ng aming pag-asa.
Pagkatapos nito, Lando. Ikaw ay maitatatala na lamang sa mga peryodiko, sa mga libro, magiging parte ng aming memorya—hanggang doon na lamang. Ngunit ang aming pagbangon pagkatapos ng iyong hagupit, babaunin namin at ipapasa sa mga susunod na henerasyon. Na kahit ilang Lando pa ang dumating, mananatili kaming nakangiti at nagbubunyi dahil hindi mo kami napadapa.
At salamat sa iyo, ang buong Pilipinas ay nananalangin para sa amin. Ang buong Pilipinas ay handa kaming tulungan. Ang buong Pilipinas ay muli mong pinagkaisa para mag-kapitbisig at mag-bayanihan.
Sumisikat na ang Haring Araw, bumababa na ang mga baha. Nagkamali ka ng binangga, Lando.
Hinding-hindi susuko ang mga Novo Ecijano.
Sumasaiyo,
Mga Mamamayan ng Lalawigan ng Nueva Ecija
Texts and photo from Aryan Corpuz on Facebook.

What can you say about this open letter?